Munting bata kung ika’y kumilos

Aakalain ba ng iba ika’y disi otso anyos?

Regalo ko’y pagpasensyahan

Kahit alam kong ito’y di kagandahan

Bawat araw na ika’y kasama

Yumayanig ang mundo sa kakatawa

Ramuyo mo’y paghalina

Oras-oras di naaalinta

Naaakit na ba o nananatiling paghanga

Parang kailan lang nun ika’y nakilala

agad agad namang sa iyo’y napalapit na

Libangang pagkuha ng larawan

Aki’y hindi inaasahan

Ngiwi mo’y akin nang nakasanayan

Congrats! at ika’y nasa wastong gulang na

Alam kong marami pa tayong panahon na pagsasamahan


Regalo sa akin ng kaibigan nung nakaraan na taon, minsan lang ako makatanggap ng regalo sa birthday galing sa kaibigan. 

Nakakatuwa at pinagka abalahan pa nya gumawa ng ganito.


Happy 19th Birthday Mary Alexis Nichole Almuite Sadia!!!!!11

Hindi talaga ako marunong gumawa ng mga ganitong bagay pero eto. Ang aking matalik na kaibigan ng 12 years na tinuturing kong lalaki. Haha! jk. Kung titignan mo yung nakaraan, Ang tagal na pala talaga ng 12 years. Hindi na sya yung batang yagit sa kalsada na kung ano anong pinipitas sa mga halaman na dinadaanan, yung batang 4pm pinapalabas at 7pm pinapauwi kaagad at sinusundo pa ng yaya, yung mas malakas pa mang asar kesa sa akin, yung may tinuhod sa tyan na kalaro namin nung bata pa kami..etc Pero tropa talaga yan e, Kasundo mo sa lahat ng bagay, kaparehas ng interests, kasangga ko sa lahat ng bagay. Kaya maituturing talaga na kaibigan. Kasabayan ko pa sya sa Dance Dance Revo, pero talo talaga ako sa skillz nya. Ang swerto ko nga at nakilala kita. Basta yon, swerte. 

Always, All ways. Nandito lang ako. Kahit napaka walang kwenta ko kausap. Haha.image

image

 

image


7 notes | Reblog
1 year ago

Eto mahirap sa pagstastalk ng Facebook/Twitter/Tumblr ng taong gusto mo e. Malalaman mo ang katotohanan. Yung katotohanan na nasa isip mo na hinihiling mo na hindi totoo. Sumilip ka sa profile, worst case scenario. Totoo nga yung mga nasa isip mo.May nakita kang may kausap sya na iba, magseselos.

Pagbukas ng computer, derecho ka sa profile nya. Bago matulog, bago umalis ng bahay. Kapag nakasagap ng wifi. Halos manguna na nga ang page nya sa most visited sites mo e. Stalker na talaga ang dating, yun lang dinanaan nga lang sa social networking.

Ang pagstalk nga naman may sobrang bigat na downfall. Minsan kahit hindi mo na kaya, titignan at titignan mo pa din. Bakit nga ba? Nagbabasakali na baka hindi totoo yung mga nakita mo? Baka sakali na sana tungkol sayo ang mga sinastatus? Ginusto mo din yan e,

Na kahit papano, kahit hindi ka pinapansin sa text o sa chat o kaya sa mga bagay na ginagawa mo para mapansin ka nya. Nagiging updated ka pa rin sa kanya. 


4 notes | Reblog
1 year ago

December 24, 2012

Hinahabol ko ang latest episodes ng One Piece at nanonood na din ako ng Drawn Together at Get Backers. Nagsimba ng 10pm, salubong sa pasko. Kain noche buena, inom hanggang sumikat ang araw.


December 21, 2012

Ika nga- “Christmas Party” ng aming block. Sa araw ng pag release ng online grades for 2nd term, nagkaron din kami ng “christmas party” na kami kami lang. Sayang at hindi lahat nakapunta. Nag ambagan para magkaron ng mailulutong pagkain at pang inom. Noong gabi, habang nagluluto yung mga babae ng makakain ng lahat, nabalitaan na nagrelease na sa site ang grades. Dahil nga isa lang yung laptop noon, isa isa lang yung nakakapag check ng grades. Kabado lahat bago magbukas ng mga kanya kanyang account. Alanganin ang lahat, mas lalo na sa major.

Bilang isang “christmas gift” daw wala namang bumagsak at pasado lahat sa mga naka attend ng party, natupad ang hiling sa mga nagsimbang gabi sa amin. Kaya mas lalong napasaya ang pagluluto ng pagkain, tipong nakangiti habang naghahalo ng sauce.

Nakuha naming mag exchange gift worth 20php, trip trip lang. Kanya kanyang diskarte kung ano ang mabibili mo sa bente pesos. Mas mahal pa ang pambalot mo kesa dun sa laman. May mga nakakuha ng rugby, water gun, yakult, coloring book, lobo, etc.

Inuman hanggang sumikat ang araw.


2 notes | Reblog
1 year ago

Naisipan namin ng mga kaibigan ko na magsimbang gabi sa St. Alphonsus, katabi lang ng school namin. Sakto, sa linggo ng simula ng simbang gabi ay finals week na rin namin. Sa dahilan na gusto ko/nila ipagdasal na pumasa sa ENTJAVA. Ako meron din ako ipinagdadasal na pang personal para sa kanya. Lulz. Totoo man o hindi na matutupad ang wish kapag nakumpleto ang simbang gabi, walang masama kung susubukan. Basta nakapagsimba.

4:30 AM ang simula ng misa, Umaalis ako sa bahay ng 3. Walang tulog, aalis ng bahay para magsimba. Dahil madalas hapon ang aming Project Presentation/Defense bumabawi nalang kami ng tulog sa library. 6 naman nagbubukas ang school. Ayos lang kahit walang tulog na aalis ng bahay dahil, wala din. Pinupuyat din naman kami ng mga project.

Makukumpleto ko na sana yung simbang gabi, kaso bigla akong tinamad nung 22, ilang araw nalang kumpleto ko na e.

Kwento ko lang.


2 notes | Reblog
1 year ago

Ang hirap kapag naghihintay ka ng text galing sa isang tao, halos nawawalan ng silbi ang cellphone mo kapag yung gusto mo ay hindi nagrereply. Umilaw lang yung phone mo, kinuha mo kagad, nag keypad locked lang pala. Tumunog ang message tone, 8888 lang pala. Magtetext ka ng Good Morning at Good Night texts, maghihintay ka pa din. Mas lalo na kapag Good Night text, hindi ka talaga makakatulog kakahintay kahit sa isang simpleng “Good Night din” text nya. Kahit “nyt” okay na e.

Mas lalo na kapag naka Conversation view pa ang messages, Makikita na puro sa may side mo ang nagtetext, sa kabila wala. Ang laman, “Hi”, “Hello”, “Musta?”, “Kain kana”. Naghihintay na baka sakali pansinin/replyan ka.

Kabado ka pa kung anong oras ka magtetext, kasi ikaw ayaw mong magmukha kang nangungulit/papansin sa kanya. Kung hindi lang makukulitan sya sayo, tinadtad mo na siguro sya ng message bawat oras. Kapag nagsend ka ng isang message, kabado ka pa bago magsend, kasi parang napapahiya ka ang dating kapag hindi sya nagreply. 

Sabi nga nila, kapag ang tao may gusto sayo, maghahanap yan ng paraan para makausap ka. Supalpal sa mukha. Kaya ipinagpipilit mo ipasok sa utak mo na baka mayroong iba namang dahilan kaya wala. 

Tiis nalang, keep your cool. Mag unli lang araw araw at magtext.


6 notes | Reblog
1 year ago
Ngayong lang ulit ako nakapagpost. Naging busy at nagseryoso ako sa pag aaral noong papalapit na ang finals namin. De, Sobrang dami talagang ginawa na project nung finals. Patong patong lahat. Don ko naramdaman yung “Real Projects, Real learning” shit ng school. 1st trimester palang pala, pakiramdam ko naka isang buong school year yon.
Syempre, Hindi mawawala ang selebrasyon ng grades, Sa bagsak at sa mga napasa. Chill chill hanggang sumikat ang araw.
Simula na ng 2nd term sa monday. Balik, paghihirap nanaman, kulang ang 1 linggong term break. Tapos nakaka adik pakinggan bagong album ng Two door cinema club

Ngayong lang ulit ako nakapagpost. Naging busy at nagseryoso ako sa pag aaral noong papalapit na ang finals namin. De, Sobrang dami talagang ginawa na project nung finals. Patong patong lahat. Don ko naramdaman yung “Real Projects, Real learning” shit ng school. 1st trimester palang pala, pakiramdam ko naka isang buong school year yon.

Syempre, Hindi mawawala ang selebrasyon ng grades, Sa bagsak at sa mga napasa. Chill chill hanggang sumikat ang araw.

Simula na ng 2nd term sa monday. Balik, paghihirap nanaman, kulang ang 1 linggong term break. Tapos nakaka adik pakinggan bagong album ng Two door cinema club


3 notes | Reblog
1 year ago

(c)Tryxzy

Explorers’ Club General Assembly

July 14, 2012

Wala ng ibang sinalihan na Org. Wala ng JISSA, Wala ng JPCS. Nawala na rin yung balak ko sa APC Flickers. Hindi ko naramdaman yung Org fair.

Nagising ako ng 1, medyo may hangover pa at derecho pumunta ng school. Nawala pa wallet ko ng pagsakay ko sa jeep. Buti kasama ko tropa at umutang muna, At buti nasa bag ang atm card. May pang raos ako sa araw ko. Baon talaga habol ko sa araw na ‘to, kaso nawala kasama yung wallet. Nag overnight sa bahay ng tropa, naglaro, nanglibre, nalagas ang pera. Pag uwi ko nasa bahay yung isa kong kaklase, nagpatulong sa pag edit ng video.

Busy weekend. Ngayon, Wala. Tulog lang sa bahay.


Sulat

Si Mark, Kaibigang tunay din yan. Di marunong magalit. Wag lang sasagarin baka lumabas tunay na kulay. Di marunong magtanim ng galit. Nakakalimot agad. Masarap kasama. Laging on the go sa lahat ng gala. May utang pa saking Magnum nung nakaraang Term pa pero mababayaran na din saken ngayon. Haha. Makulit, Magulo kausap, Laging nawawala, laging late, himala pag maagang nakapasok. Di ka pababayaan. Laging nandyan para damayan ka. Kaibigang tunay talagang maituturing


Nakasulat sa papel na inabot sa akin ng kaklase ko noong isang araw. Na-aapreciate ko lang sobra kapag nakakatanggap ako ng ganito, Nakakatuwa. Nakakabuo ng araw yung ganito. 


5 notes | Reblog
2 years ago

1 2 3 4 5 »